Pages

Friday, May 15, 2015

BTAC Chief Andrade, kampanteng bumaba ang crime rate sa isla dahil sa APEC

Posted May 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

연방수사국(FBI)은 지난 6월 미 전역에서 범죄율이 5년 ...
Bumaba ang crime rate sa isla dahil sa APEC.

Bagama’t wala pang opisyal na tala, kampanteng sinabi ni Boracay PNP Chief P/SInsp.Frensy Andrade na malaki ang naitulong ng ipinadalang augmentation forces ngayon sa isla upang bumaba ang kriminalidad.

Magkaganon paman, sinabi pa ni Andrade na patuloy nilang tinututukan ang mga nakawan at ilan pang kriminalidad sa isla upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga turista.

Katunayan, base sa report ng Boracay PNP, isang suspek sa pagnanakaw sa British at American National sa isla ang nahuli sa isang follow operation kamakailan lang at sinampahan na ng kaso dahil sa pinaigting na pagkilos ng mga otoridad laban sa krimen.

Samantala, daan-daang pulis ngayon ang ipinakalat ng PRO 6 upang bantayan ang seguridad ng mga APEC delegates sa Boracay.

No comments:

Post a Comment