Pages

Monday, May 04, 2015

Away sa kalsada nauwi sa malagim na trahedya, lalaki patay ng araruhin ng truck sa Boracay

Posted May 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for do not cross accidentNauwi sa kalunos-lunos na aksidente ang nangyari sa isang lalaking kinilalang si John Henry Pineda, 18-anyos ng Caticlan Malay Aklan at isang tour guide sa Boracay.

Ito’y matapos siyang araruhin ng rumaragasang truck sa Manoc-manoc, Boracay alas-9 kagabi na minamaneho ni Ernie Victoriano, 58-anyos ng nasabi ring lugar.

Base sa blotter report ng Boracay PNP Station, nakikipag-inuman umano ang biktima kasama ang ilan nitong kaibigan sa gilid ng kalsada sa brgy. Manoc-manoc ng may biglang lumapit sa kanyang isang lalaki na kinilala namang si Nathan Dumampil at sinasabing dating kaalitan nito.

Dahil dito kinompronta umano ang biktima ni Nathan kung saan pinagsusuntok niya ito ngunit mabilis naman ang pag-iwas ng biktima dahilan para mapadpad sila sa gitna ng kalsada at mawalan ito ng balansi sabay bagsak sa kalsada.

Ngunit isang truck ang hindi inaasahang mapadaan sa naturang lugar kung saan mabilis nitong nasagasaan ang biktima na nagtamo ng matinding sugat sa kanyang ibat-ibang parti ng katawan lalo na sa ulo nito na may grabing pinsala.

Nabatid na nadala pa ang biktima sa Boracay Hospital ngunit idiniklara naman itong dead on arrival ng attending physician sa nasabing pagamutan.

Samantala, agad namang sumuko ang driver ng truck sa Boracay PNP Station matapos ang naturang aksidente ngunit ang sinasabing dahilan ng aksidenteng si Nathan Dumampil ay mabilis na nakatakas ngunit kinabukasan ay agad ding sumuko sa pulisya.

No comments:

Post a Comment