Posted March 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by: Jayskiearante@yahoo.com |
Tuloy-tuloy na umano ang gagawing reclamation project sa
Caticlan Jetty Port ng Aklan Provincial Government.
Ito’y matapos na maaprobahan ng Supreme Court ang mga
dokumento para sa naturang proyekto na pagpapalawak sa nasabing pantalan.
Ayon naman kay Special Operation III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, wala pa umanong target dito ang probinsya kung kaylan
masisimulan ang pagpapatayo ng building o terminal area.
Sa ngayon umano ay patuloy ang ginagawang pagtatambak ng
lupa sa nasabing area at ang pagsasaayos ng sea wall.
Tiniyak naman ni Pontero na kung sakaling matapos ang
ginagawang expansion project sa Cagban Jetty Port ay maaaring masimulan na rin
ang sa Caticlan.
Matatandaan na makailang beses na ring nagkaroon ng
petisyon ang probinsya para dito upang payagan nang isagawa ang Caticlan
Reclamation Project.
Samantala, ang Reclamation Project ang siyang inaasahang
magiging tugon sa ilang problema sa Caticlan Jetty Port katulad na lamang ng
pagsikip sa daungan ng mga bangka.
No comments:
Post a Comment