Posted March 11, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) na ligtas parin para sa publiko ang beach ng Boracay
sa kabila ng pagsabog ng balita tungkol sa Coliform.
Ayon kay Aklan Provincial and Natural Resources
Officer Ivene Reyes.
Ipinaliwanag mismo ito ni DENR Environmental
Management Bureau OIC Regional Director Jonathan Bulos sa isang technical
conference, kung saan base sa kanilang pag-aaral, pasok sa standard at ligtas maligo
ang lokal at dayuhang turista sa beach front ng isla.
Dumalo din umano sa nasabing pagpupulong ang
Boracay Island Water Company (BIWC) kung saan ipinahayag din ng mga ito na
mayroon na umano silang remedial measures sa ilang problema sa back beach.
Samantala, magugunita na naalerto ang publiko
tungkol sa kumalat na balitang nagkaroon ng Coliform bacteria ang tubig ng
Boracay.
Dahil dito, kaagad ding nakipagtulungan ang
pamahalaang probinsyal ng Aklan sa DENR upang pag-aralan ang nasabing isyu.
No comments:
Post a Comment