YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 10, 2015

Bilang ng mga nagbabakasyong Chinese sa Boracay patuloy na tumataas

Posted March 10, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pumapangalawa parin ang bilang ng mga Chinese Tourist na nagbabakasyon sa isla ng Boracay ngayong taon.

Sa kabila ito ng patuloy na travel advisory ng Chinese Government sa Pilipinas.

Base sa tala ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay ngayong buwan ng Pebrero umabot na sa 15, 406 ang mga Chinese tourist na nagbakasyon sa isla simula noong unang quarter ng taon.

Ayon naman kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, hindi umano naging hadlang sa mga Chinese ang ipinalabas na Travel Advisory ng kanilang gobyerno sa Pilipinas noong nakaraang taon dahil sa ilang serye ng insidente sa bansa na ikinatakot ng Chinese Government. 

Bagamat hindi umano pinipigilan ng kanilang gobyerno ang individual tourist na magbakasyon sa bansa may mga pagkakataon rin umanong hindi nila pipapayagan rito ang group tours.

Samantala pinangungunahan parin ng Korea ang top 5 sa mga foreign tourist na nagbakasyon sa Boracay ngayong taon kung saan pumapangatlo rito ang Taiwan pang-apat ang United States at pang-lima naman ang Australia.

No comments:

Post a Comment