Posted March 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Inalmahan kasi at umani ng batikos mula sa mga
Boracaynong netizens ang report tungkol sa reklamo ng ilang naglalaro ng
volleyball sa beach ng station 1 nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Municipal Auxiliary Police-Boracay Deputy
Chief Rodito Absalon Sr., nakasaad sa Municipal Ordinance No. 2000-132 na
kailangang ipreserba ang white beach portion ng Boracay para mapanatili ang
kalikasan at kagandahan nito.
Polisiya o batas ng munispyo ng Malay na ireserba
ang white beach portion para sa mga turistang gumastos ng pera para mag-enjoy,
magrelax at maranasan ang tinatawag na tropical ambiance ng isla.
Samantala, aminado naman si Absalon na sumama ang
kanyang loob sa mga naging komento sa kanila ng mga netizens.
Magkaganon paman, umapela ito sa lahat ng mga
Boracaynon na tulungan sila sa pagpapaunawa sa mga turista sa anumang
ipinapatupad na ordinansa.
Hinimok din nito ang sinumang may reklamo sa MAP
kaugnay sa kanilang pamamaraan ng pagpapatupad ng batas na makipag-usap sa
kanya upang maaksyunan.
Magugunitang inireport sa himpilang ito ng mga
sinitang nagba-volley ball ang mga MAP dahil sa tila hindi makatarungang
pagsita sa kanila.
No comments:
Post a Comment