Posted March 11, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Madadagdagan na ngayon ang inyong mga silid-aralan.
Ayon kay BNHS Principal II Jose Niro Nillasca, magkakaroon
ang paaralan ng dagdag na 2-storey- 2 classroom building na pinondohan ng
Special Educations Fund (SEF) ng LGU Malay.
May 2-storey- 6 classrooms na pinondohan naman ng
Department of Education (DepEd), na ginawa ng Department of Public Works and
Highways (DPWH) at nasa flooring stage
na sa ngayon.
Anya, matagal na ring nakahanda ang 980 thousand
pesos na budget para dito at inaasahan na magagamit na ang Phase 1 rito sa S.Y
2015-2016.
Samantala, magugunita naman na nitong nakaraang
taon ay naglunsad ng Recrafting School Improvement Program Plan ang BNHS.
Nabatid kasi na ang nasabing paaralan ay kulang ng
anim na silid aralan, Library at walang sapat na tubig at comfort rooms.
Base sa record, ang BNHS ay may kabuuan ngayon na
19 na silid-aralan mula sa Grade 7 hanggang Senior High School.
Maliban sa pagdaragdag ng mga classrooms, nabatid
na ipaayos din ang ilang sirang silid-aralan ng BNHS.
No comments:
Post a Comment