Posted March 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Base sa report ng Municipal Auxiliary
Police-Boracay, nag-snorkeling sa beach front ng Boracay Regency Beach Resort ang
42 anyos na si Yeom Jeony Yun kahapon ng tanghali.
Subali’t ilang sandali pa, napansin na lamang ng
mga Auxiliary Police doon na sina Ronnie Balagot at Elvison Cabal ang
lumulutang na biktima.
Kaagad umano nila itong ni-rescue at dinala sa
Boracay Hospital upang matiyak ang kanyang kaligtasan.
Ayon sa dalawang MAP, maaaring nagpanic hangga’t
nakainom ng maraming tubig ang babae nang mapansin nitong patungo na pala siya
sa malalim na bahagi ng tubig habang nag-i-snorkeling.
Samantala, magugunitang isang Korean National din ang
nalunod at nailigtas ng isang trisekel driver at dalawang mangingisda mula sa
pagkalunod sa Puka Beach nitong nakaraang linggo.
No comments:
Post a Comment