Posted March 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay ito sa plano ng LGU Malay na hanapan ng
lugar para makapagtinda ang mga kapatid na Muslim vendors sa isla nang simulang
ipatupad ang 25+5 meter easement.
Kasama na rin kasi sila sa mga tuluyang
pinagbawalang maglako sa beach area.
Kasabay nito, binisita at aming nakapanayam nitong
hapon ang mga nasabing vendors sa station 3, sa unahan lang Boracay PNP.
Ayon sa isang Muslim vendor na dating naglalako sa
‘baybay’ o beach.
“Pasuwertehan lang ang kanilang kinikita, ngayong
nasa “Tourist Center” na sila.
Samantala, sinabi pa nito na naghahangad din umano
sila na matulungan ng LGU Malay para magkaroon ng mas na mainam na lugar para
makapagbenta.
No comments:
Post a Comment