YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 12, 2015

EMB, sinigurong ligtas sa Coliform bacteria ang tubig sa Boracay

Posted March 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tiniyak ni mismong Regional Director (Region-6) Environmental Management Board Dr. Samson Guillergan na ligtas sa Coliform bacteria ang tubig sa Boracay.

Katunayan, ito mismo ang kanyang ipinaabot sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Bayan nitong Martes matapos silang ipatawag ng Local Officials ng Malay dahil sa nangyaring Coliform issue sa Boracay.

Ayon kay Dr. Guillergan, hindi nila nakitaan ng mataas na level ng Coliform bacteria ang tubig dagat sa Bolabog beach kung saan sinasabi sa National media na dito umano nakita ang bacteria.

Sinabi pa nito na sinuri nila ang tubig sa ilang area sa back beach kung saan sinasabing mataas ang level ng Coliform bacteria sa tubig.

Samantala, tinukoy din nito na sa area ng Tulubhan sa Manoc-manoc ay may nakitaan silang mataas na level ng Coliform na pinaniniwaalang mula sa mga drainage system sa Boracay.

Kadalasan nagmumula umano ito sa matataas na bahagi ng lugar sa Boracay na walang sewerage system na kung saan ang kanilang mga hinuhugas sa pagkain ay dinadaloy ng tubig ulan papunta sa dagat.

Dahil dito gumagawa parin ngayon ng hakbang ang Department of Environmental and Natural Resources (DENR) katuwang ang Solid waste management ng Malay upang masigurong ligtas ang tubig sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment