Posted March 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kulong ang inabot ng isang construction worker
matapos hampasin ang katrabaho sa construction site sa Barangay Yapak.
Base sa police report ng Boracay Tourist Assistance
Center, nakaupo ang 21 anyos na biktimang si Nomer Magura sa hagdan ng kanilang
ginagawang gusali nang bigla umano itong hinampas ng steel bar sa ulo ng lasing
na suspek na si Jose Pring Ascaño.
Dahil dito, nahilo ang biktima sa dalawang beses na
hampas ng suspek gamit ang 20 pulgadang steel bar kung kaya’t isinugod ito sa
ospital.
Samantala, kaagad naaresto ang suspek at ikinulong
sa lock-up cell ng Boracay PNP Station.
Wala namang nakikitang motibo ang mga pulis sa kaso
at posibleng napag-tripan lamang umano ng suspek ang biktima dahil sa sobra
nitong kalasingan.
No comments:
Post a Comment