Pages

Wednesday, March 11, 2015

Reclamation project sa Caticlan Jetty Port tuloy-tuloy na

Posted March 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by: Jayskiearante@yahoo.com

Tuloy-tuloy na umano ang gagawing reclamation project sa Caticlan Jetty Port ng Aklan Provincial Government.

Ito’y matapos na maaprobahan ng Supreme Court ang mga dokumento para sa naturang proyekto na pagpapalawak sa nasabing pantalan.

Ayon naman kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, wala pa umanong target dito ang probinsya kung kaylan masisimulan ang pagpapatayo ng building o terminal area.

Sa ngayon umano ay patuloy ang ginagawang pagtatambak ng lupa sa nasabing area at ang pagsasaayos ng sea wall.

Tiniyak naman ni Pontero na kung sakaling matapos ang ginagawang expansion project sa Cagban Jetty Port ay maaaring masimulan na rin ang sa Caticlan.

Matatandaan na makailang beses na ring nagkaroon ng petisyon ang probinsya para dito upang payagan nang isagawa ang Caticlan Reclamation Project.

Samantala, ang Reclamation Project ang siyang inaasahang magiging tugon sa ilang problema sa Caticlan Jetty Port katulad na lamang ng pagsikip sa daungan ng mga bangka.

No comments:

Post a Comment