Posted March 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nahulog sa isang palayan sa Tabangka, Numancia
Aklan ang isang L300 Van matapos nitong dikitan at banggain ang isa pang van.
Ayon kay PO3 Willie Akidado ng Numancia PNP station,
nagalit ang driver na si Ernesto Wares ng Pob. Lezo Aklan sa driver na si
Abraham Tabasa, ng Tugas Makato Aklan.
Pinik-up umano kasi nito ang isang pasahero sa Pob.
Numancia Aklan na papasakayin din sana ni “Ernesto”.
Dahil sa galit, dinikitan ni “Ernesto” si “Abraham”
at sinunggaban, subalit nawalan umano ito ng kontrol at dumausdos ang kanyang
sasakyan sa palayan.
Samantala, nagtamo naman ng minor injuries ang nasa
apat na pasahero ni “Ernesto” habang wala namang nasugatan sa pasahero ni
“Abraham”.
Kaugnay nito, impound pa rin sa himpilan ng
Numancia PNP Station ang sasakyan ng dalawa habang hinahanda pa ang kanilang
kaso.
No comments:
Post a Comment