Posted March 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang mga
suspek na sina Edbard Tacuban Gentozala ng Bacolod City at Duane Tacuban
Gentozala ng Jaro, Iloilo, at mga architect ng PSA 27 Construction Company.
Ayon sa report, natuklasan na lamang ng negosyante
na tumalbog ang stekeng ipinambayad sa kanya sa mga materyales na inorder ng
mga suspek nitong nakaraang taon para sa kanilang proyekto sa isla ng Boracay.
October 31, 2014 umano nang mag-isyu ang mga suspek
ng tseke na nagkakahalaga ng P1, 058, 000.00.
Subali’t nang ipapa-encash na ng negosyante ang
tseke nitong November 30, 2014, natuklasan nitong sarado na ang ibinigay na
account ng mga suspek kung kaya’t ipinag-utos nito sa kanyang tauhan na magpa-blotter
sa Boracay PNP.
Samantala, ayon pa sa report, pormal na ring
nagsampa ng kaso sa pamamagitan ng kanyang private lawyer ang negosyante laban
sa mga suspek na pawang naglahong parang bula.
No comments:
Post a Comment