Pages

Monday, March 09, 2015

Korean national na nag-snorkeling sa Boracay, nailigtas sa pagkalunod

Posted March 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mapalad na nailigtas sa pagkalunod kahapon ang isang turistang Korean national.

Base sa report ng Municipal Auxiliary Police-Boracay, nag-snorkeling sa beach front ng Boracay Regency Beach Resort ang 42 anyos na si Yeom Jeony Yun kahapon ng tanghali.

Subali’t ilang sandali pa, napansin na lamang ng mga Auxiliary Police doon na sina Ronnie Balagot at Elvison Cabal ang lumulutang na biktima.

Kaagad umano nila itong ni-rescue at dinala sa Boracay Hospital upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

Ayon sa dalawang MAP, maaaring nagpanic hangga’t nakainom ng maraming tubig ang babae nang mapansin nitong patungo na pala siya sa malalim na bahagi ng tubig habang nag-i-snorkeling.

Samantala, magugunitang isang Korean National din ang nalunod at nailigtas ng isang trisekel driver at dalawang mangingisda mula sa pagkalunod sa Puka Beach nitong nakaraang linggo.

No comments:

Post a Comment