Posted March 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tiniyak ni mismong Regional Director (Region-6)
Environmental Management Board Dr. Samson Guillergan na ligtas sa Coliform
bacteria ang tubig sa Boracay.
Katunayan, ito mismo ang kanyang ipinaabot sa ginanap na sesyon
ng Sangguniang Bayan nitong Martes matapos silang ipatawag ng Local Officials
ng Malay dahil sa nangyaring Coliform issue sa Boracay.
Ayon kay Dr. Guillergan, hindi nila nakitaan ng mataas na
level ng Coliform bacteria ang tubig dagat sa Bolabog beach kung saan sinasabi
sa National media na dito umano nakita ang bacteria.
Sinabi pa nito na sinuri nila ang tubig sa ilang area sa
back beach kung saan sinasabing mataas ang level ng Coliform bacteria sa tubig.
Samantala, tinukoy din nito na sa area ng Tulubhan sa
Manoc-manoc ay may nakitaan silang mataas na level ng Coliform na
pinaniniwaalang mula sa mga drainage system sa Boracay.
Kadalasan nagmumula umano ito sa matataas na bahagi ng
lugar sa Boracay na walang sewerage system na kung saan ang kanilang mga
hinuhugas sa pagkain ay dinadaloy ng tubig ulan papunta sa dagat.
Dahil dito gumagawa parin ngayon ng hakbang ang
Department of Environmental and Natural Resources (DENR) katuwang ang
Solid waste management ng Malay upang masigurong ligtas ang tubig sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment