Posted March 10, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pumapangalawa parin ang bilang ng mga Chinese Tourist na
nagbabakasyon sa isla ng Boracay ngayong taon.
Sa kabila ito ng patuloy na travel advisory ng Chinese
Government sa Pilipinas.
Base sa tala ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay ngayong
buwan ng Pebrero umabot na sa 15, 406 ang mga Chinese tourist na nagbakasyon sa
isla simula noong unang quarter ng taon.
Ayon naman kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, hindi umano naging hadlang sa mga Chinese ang ipinalabas
na Travel Advisory ng kanilang gobyerno sa Pilipinas noong nakaraang taon dahil
sa ilang serye ng insidente sa bansa na ikinatakot ng Chinese Government.
Bagamat hindi umano pinipigilan ng kanilang gobyerno ang
individual tourist na magbakasyon sa bansa may mga pagkakataon rin umanong
hindi nila pipapayagan rito ang group tours.
Samantala pinangungunahan parin ng Korea ang top 5 sa mga
foreign tourist na nagbakasyon sa Boracay ngayong taon kung saan pumapangatlo rito
ang Taiwan pang-apat ang United States at pang-lima naman ang Australia.
No comments:
Post a Comment