Posted July 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umapela ngayon ang Provincial Internal Affairs
Service (PIAS) sa mga nakakita na magsalita tungkol sa umano’y “police
brutality” na nangyari sa isang drug suspect sa Aklan.
Ito’y kaugnay parin sa nagpapatuloy na
imbestigasyon sa limang mga pulis na inerereklamo ng pamilya ng suspek-biktima
na si Reijie Rose, 27 ng Brgy. Tigayon Kalibo.
Ayon kay PIAS pre-charge evaluator Police Officer 3
Pelegrino Palomar, Jr., mas makabubuti na may magsalitang mga nakakita sa
pangyayari upang maimbestigahang maigi ang nasabing kaso.
Kabilang sa mga nabanggit ni Palomar na
iniimbestigahan ngayon sina Chief of Aklan Provincial Ati-Illegal Drugs Special
Operations task Group (PAIDSOTG) P/Ins. Wilfredo Hofilena, Police Officer 3
Allan dela Cruz; Police Officer 1 Lloyd Raymundo at Police Officer 1 Rolando
Dano.
Ayon pa kay Palomar, nagsasagawa rin sa ngayon ng
imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group at Commission on
Human Rights para suriin kung totoo ngang may nangyaring “police brutality.”
Kapag napatunayan na may nilabag ang limang mga
pulis ay mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at maaaring matanggal
sa serbisyo.
Samantala, matatandaan na dalawang linggo ang
nakalipas nang mag-sagawa ng buy bust operation ang limang mga pulis sa isang
lamayan sa Tigayon, Kalibo, Aklan upang arestuhin ang suspek na si Rose dahil
sa pagtutulak ng illegal na droga.
No comments:
Post a Comment