Posted July 28, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Idinaan na lang sa MOA o Memorandum of Agreement
ang problema ng mga helmet diving operators sa Boracay.
Kaugnay nito, inaasahang matutuldukan din ang
problemang dulot ng mga illegal na komisyoner sa mga nasabing operators.
Ayon kasi kay Boracay Island Chief Operation
Officer Glenn SacapaƱo.
Nagkasundo naman ang mga nasabing operators kaugnay
sa kanilang rate o presyo matapos ang halos isang buwang pagpupulong.
Naihanda na rin umano ang MOA para dito at
inaasahang isasapinal na darating na Lunes.
Samantala, nanawagan naman si SacapaƱo sa mga
nasabing operators na tuparin ang kanilang MOA upang hindi maapektuhan ang
turismo ng isla.
Magugunitang nagbabala ang administrador na
iri-revoke ang business permit ng mga helmet diving operators sakaling mahuli
ang mga itong gumagamit ng komisyoner sa pagma-market ng kanilang serbisyo.
No comments:
Post a Comment