Posted July 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maglalagay umano ang National Ocular Inspection Team
(NOC) ng Floating hospital sa Boracay para sa inaasahang pagdaraos ng APEC
Summit 2015 sa isla.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ilalagay
umano ito sa beach area habang under renovation pa sa ngayon ang Boracay
hospital kung saan baka hindi umano ito maihabol.
Samantala, mag-aantabay nalang din ang mga ilalagay na
nurse at doktor sa mga klinika sa isla na isa rin sa mga gagamitin sakaling may
pasyente.
Sa kabilang banda tinatayang hindi bababa sa dalawang
libong partisipante ang kasali sa APEC Summit 2015 sa Boracay kabilang na ang
ilang media at ang kanilang mga pamilya.
No comments:
Post a Comment