Pages

Monday, July 28, 2014

PIAS, umapela sa mga nakakita na magsalita tungkol sa umano’y “police brutality” sa naarestong drug suspect sa Aklan

Posted July 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umapela ngayon ang Provincial Internal Affairs Service (PIAS) sa mga nakakita na magsalita tungkol sa umano’y “police brutality” na nangyari sa isang drug suspect sa Aklan.

Ito’y kaugnay parin sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa limang mga pulis na inerereklamo ng pamilya ng suspek-biktima na si Reijie Rose, 27 ng Brgy. Tigayon Kalibo.

Ayon kay PIAS pre-charge evaluator Police Officer 3 Pelegrino Palomar, Jr., mas makabubuti na may magsalitang mga nakakita sa pangyayari upang maimbestigahang maigi ang nasabing kaso.

Kabilang sa mga nabanggit ni Palomar na iniimbestigahan ngayon sina Chief of Aklan Provincial Ati-Illegal Drugs Special Operations task Group (PAIDSOTG) P/Ins. Wilfredo Hofilena, Police Officer 3 Allan dela Cruz; Police Officer 1 Lloyd Raymundo at Police Officer 1 Rolando Dano.

Ayon pa kay Palomar, nagsasagawa rin sa ngayon ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group at Commission on Human Rights para suriin kung totoo ngang may nangyaring “police brutality.”

Kapag napatunayan na may nilabag ang limang mga pulis ay mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at maaaring matanggal sa serbisyo.

Samantala, matatandaan na dalawang linggo ang nakalipas nang mag-sagawa ng buy bust operation ang limang mga pulis sa isang lamayan sa Tigayon, Kalibo, Aklan upang arestuhin ang suspek na si Rose dahil sa pagtutulak ng illegal na droga.

No comments:

Post a Comment