Posted July 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Gagawa ng landscape sa ngayon ang Boracay National
High School (BNHS) para pansamantalang masolusyunan ang pagbaha sa nasabing
paaralan.
Ito ang sinabi ni BNHS Principal II, Jose Niro
Nillasca kaugnay sa mga nangyaring pagbaha sa nasabing paaralan lalo na kapag
umuulan.
Anya, bagamat nakaplano na ang pagsasaayos ng mga
programa ng local na pamahalaan para sa BNHS, tumutulong din umano ang mga guro
habang inaantay pa ang update tungkol sa pagpapagawa ng 2nd floor
classrooms dito.
Katunayan, isa sa mga aktibidad umano nila sa
darating na Palaro 2014 ang paglikom ng pondo na sya ring gagamitin upang
tempraryong masolusyunan ang problemang ito.
Samantala, nabatid na pinoproseso na ngayon ang
plano para sa mga binabahang silid-aralan ng BNHS matapos itong pag-usapan sa
ginanap na Improvement Plan ng Malay District Office at ilang ahensya.
Napag-alamang pinanapasok ng tubig-baha ang ilang mga
classrooms sa BNHS sa tuwing malakas ang ulan dahil sa pagiging mababa nito.
No comments:
Post a Comment