Posted August 1, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon sa mga taga Philippine Coastguard Boracay
Detachment, natagpuan ng mga nagpa-parasailing ang nasabing dolphin sa station
3, humigit-kumulang 30 metro ang layo mula sa dalampasigan.
Isa itong babae at nasa mahigit isang metro ang haba.
Paniwala ng mga lokal na residenteng nakakita sa dolphin,
maaaring nakalaban nito ang iba pang mas malaking isda sa dagat hangga’t
napadpad ito sa karagatan ng Boracay.
Ayon naman sa ibang boatman, maaaring may taong humampas
sa nasabing dolphin kung kaya’t nasugatan ang buntot nito at nanghina.
Samantala, kaagad kinuha ng mga boatman ang dolphin at
dinala sa station 1 beach front kung kaya’t pinagkaguluhan ito ng mga turistang
dumadaan.
Inilibing naman ng mga taga Maritime Police at Bantay-Dagat
sa Sitio Tabon ang dolphin.
No comments:
Post a Comment