YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 30, 2014

Boracay, opisyal nang kinonsedera bilang host para sa APEC 2015

Posted July 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Opisyal nang kinonsedera ang isla ng Boracay bilang isa sa mga venue ng isasagawang Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit 2015.

Base sa mga nagsilabasang balita sa mga pahayagan isa sa mga nakatanggap ng sulat mula kay Director General Marciano Paynor Jr. ng APEC 2015 si Aklan Governor Florencio Miraflores na ang Boracay ay isa sa anim na Rehiyon sa bansa ang opisyal na pagdadarausan ng APEC Ministerial Meeting.

Ito ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bataan, Clark Pampanga, Tagaytag City, Cavity, Legazpi City, Albay sa Bicol Region, Boracay Aklan at Iloilo City para sa Western Visayas at Metropolitan Cebu sa Central Visayas.

Sinabi pa ni Paynor na ang Boracay ang mag ho-host ng pangalawang Senior Official Meeting at related meetings sa May 10-21, 2015 at Ministers Responsible para naman sa Trade sa May 23-24.

Nabatid na aabot sa 1900 delegates ang a-attend sa Second Senior Officials Meeting habang 600 delegates naman sa Ministers Responsible for Trade.

Samantala, ang Department of Tourism (DOT) Boracay ay nag-aantay naman ng official documents mula sa Palasyo na pirmado ni Pangulong Aquino III para dito.

No comments:

Post a Comment