Posted July 31, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na maitala ang nasa mahigit 300 libo na
tourist arrival sa Boracay para sa unang tatlong buwan ng 2014, mas mataas ng
30 porsiyento ng nakaraang taon.
Napag-alaman na ang Boracay parin ang may
pinakamataas na tourist arrival sa buong rehiyon sa Pilipinas.
Ayon kay Aklan Governor Joeben Miraflores, ang
paglagong ito sa turismo ng probinsya ay nagpapahiwatig ng patuloy na pag-angat
ng ekonomiya sa Aklan.
Maliban anya sa itinuturing na pangunahing “beach
destination” ang Boracay, isa na rin ito sa mga destinasyon para sa mga cruise
ships.
Samantala, nabatid na sampung mga cruise ships ang
naka-iskedyul na dadaong sa isla ng Boracay ngayong taon.
Ang Boracay ay na-e-feature narin kamakailan sa
iba’t-ibang mga prestihiyosong travel magazine sa mundo, kung saan dito rin
nagkakaroon ng photo shoot at taping ang iba’t-ibang mga local at international
celebrities.
No comments:
Post a Comment