Posted
July 31, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Sinuspende muna ang isinusulong na ordinansa sa SP Aklan na
magre-require sa mga Tourist Bus sa probinsya na magkaroon ng Audio/Video
equipment.
Pinasusumite pa kasi ng SP o Provincial Board ng resolusyon
ang may akda nito na si Sangguniang Panlalawigan (SP) Member Emmanuel Soviet
Dela Cruz.
Maliban dito, bagamat “okay” sa mga Tourist Bus at Public
Transportation Units ang nasabing panukala, kailangan parin umano itong
pag-usapan ayon sa board.
Magugunitang isinusulong ang panukala dahil sa malaking
maitutulong umano nito lalo na sa turismo ng probinsya, kung kaya’t
nire-require ang mga Tourist Bus at Public Transportation Units na magkaroon ng
audio/video equipment para ipakita ang kagandahan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment