Posted July 31, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naniniwala ang Philippine Red Cross (PRC)
Boracay-Malay Chapter na kailangan pang dagdagan ang mga life guard sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Red Cross Life Guard Manager Kaine Condez,
kailangan talaga itong dagdagan lalo na’t habagat season kung saan mayroon
dapat magbabantay at magpapaalala sa mga maliligo sa baybayin.
Anya, sa ngayon ay mayroong 13 life guards ang
sinanay ng Red Cross upang magbantay ay tumulong kung sakali mang may mga
mangyayaring pagkalunod.
Samantala, nabatid naman na nitong nakaraang linggo
ay isang Ethiopian national ang nalunod sa Boracay na sinundan naman ng isa
pang bakasyunista.
Paalala ng Red Cross sa mga mahilig maligo sa dagat
na ibayuhing mag-ingat at bantayang maigi lalo na ang mga batang naliligo.
No comments:
Post a Comment