Posted August 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Philippine Coastguard Boracay sub-station
commander PO1 Arnel Zulla matapos ang kanilang search and rescue operation sa
nasabing bangka.
Nakilala ang apat na pasahero nito na sina Melanie
Cawaling, 41, Emma Cawaling 12, Althea Florence Cawaling 9, at Ner Cawaling, 31
pawang mga taga Sta. Fe Romblon.
Sa inisyal na report ng coastguard nabatid na pumalaot
ang bangkang Cyrus papuntang Caticlan kaninang umaga upang ideliver ang
kanilang mga dalang manok at baboy.
Subali’t pinasok umano ito ng tubig kung kaya’t bahagya
itong lumubog, bagay na tumawag sila ng saklolo.
Suwerte namang nadaanan umano sila ng bangka ng JALS,
isang sea sports operator sa Boracay, kung kaya’t kaagad silang nailigtas
hangga’t dumating ang mga naghahanap na coastguard.
Nabatid na nahirapan ang mga coastguard sa paghahanap sa
kanila dahil pinadpad na pala sila sa bahagi ng Angas, Pinamihagan, San Jose
Romblon dahil sa malakas na alon.
Samantala, kumilos din ang mga taga Coastguard Romblon
upang maihala ang lumubog na bangka.
No comments:
Post a Comment