Posted August 1, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isang GIS o Geographic Information Systems Data and
Analysis Training ang inilunsad ng JICA-JST CECAM sa Boracay.
Unang ginanap ang nasabing training kahapon na dinaluhan
ng mga taga engineering department ng LGU Malay at iba pang sektor sa isla.
Ilan lamang sa naging tampok sa nasabing training ang
Boracay Data Inventory, Data Creation and Attribute Editing, at paghahanda ng
mapa.
Ayon naman sa taga BRTF o Boracay Redevelopment Task
Force, umaasa ang mga ito na malaki ang maitutulong ng nasabing training lalo
pa’t nasa ilalim ng redevelopment ang isla.
Ilang beses na ring pumunta sa isla ng Boracay ang mga
taga JICA-JST o Japan International Cooperation Agency at Japan Science and
Technology Agency upang magbahagi ng iba’t-ibang kaalaman sa Boracay lalo na sa
usaping pangkapaligiran.
No comments:
Post a Comment