Pages

Tuesday, July 29, 2014

BNHS, gagawa ng landscape para temporaryong masolusyunan ang pagbaha

Posted July 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Gagawa ng landscape sa ngayon ang Boracay National High School (BNHS) para pansamantalang masolusyunan ang pagbaha sa nasabing paaralan.

Ito ang sinabi ni BNHS Principal II, Jose Niro Nillasca kaugnay sa mga nangyaring pagbaha sa nasabing paaralan lalo na kapag umuulan.

Anya, bagamat nakaplano na ang pagsasaayos ng mga programa ng local na pamahalaan para sa BNHS, tumutulong din umano ang mga guro habang inaantay pa ang update tungkol sa pagpapagawa ng 2nd floor classrooms dito.

Katunayan, isa sa mga aktibidad umano nila sa darating na Palaro 2014 ang paglikom ng pondo na sya ring gagamitin upang tempraryong masolusyunan ang problemang ito.

Samantala, nabatid na pinoproseso na ngayon ang plano para sa mga binabahang silid-aralan ng BNHS matapos itong pag-usapan sa ginanap na Improvement Plan ng Malay District Office at ilang ahensya.

Napag-alamang pinanapasok ng tubig-baha ang ilang mga classrooms sa BNHS sa tuwing malakas ang ulan dahil sa pagiging mababa nito.

No comments:

Post a Comment