Hindi pa rin umano ngayon makuntento ang pamahalaang
probinsyal kahit na may “position letter” na ang Boracay Foundation
Incorporated (BFI) sa 2.6-hec. na reklamasyon sa Caticlan nagsasabing hindi na
sila tutol sa proyektong ito.
Ayon kay Aklan Governor Carlito Marquez sa panayam dito
nitong umaga, humirit sila ngayon sa BFI na kung maaari ay gawing Board Resolution
ang nasabing position letter.
Ito ay dahil mas makapangyarihan aniya ang resolusyon kumpara
sa unang nataggap nila mula sa BFI.
Kaya naman aminado si Marquez na hanggang sa ngayon ay
humihingi pa sila ng saklolo mula sa BFI para sa ganitong request.
Kung matatandaan, ang probinsya ay ilang beses nang humingi
ng pag-endorso sa BFI para sa proyekto at humiling na bawiin ang kasong
naisampa ng grupo ng mga stakeholder na ito sa Boracay, ngunit position letter lamang
ang nataggap ng probinsiya mula sa mga ito.
Dahil dito ay patuloy silang nananalig at nananalangin para
maibigay na aniya ang maayos na serbisyo sa lumulobong bilang ng mga turista sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment