YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 08, 2012

LGU Malay, naglaan ng bagong 100 slots para sa mga iskolar na Malaynon

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Panibagong 100 slots ang handang punuin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa mga iskolar ng LGU para sa papasok na school year.

Tulad noong nakaraang taon, 100 slots din ang inilaan ng LGU para ngayong taon para sa mga estudyanteng Malaynon na nais mag-aral sa mga Vocational Schools ayon kay Dennis Briones ng Municipal Public Employment Service Office (PESO) Malay.

Ayon kay Briones, ang lokal na pamahalaan ay may pondong P550,000.00 na pangtustos ng 100 estudyante.

Pero maaari pa umanong madagdagan ang nakalaang 100 slots, depende kung may sobrang pera ang LGU.

Samantala, maliban dito, sa kasalukuyan ay may 63 estudyanteng Malaynon ang LGU na may gulang na 16-25 taon na kasalukuyang nagsa-summer job simula pa noong Abril 23 hanggang Mayo 24.

Nabatid na ang mga estudyanteng ito ay nagsisilbi ngayon sa iba’t ibang departamento ng LGU, depende sa kanilang mga kurso, at tumatangap ng P250.00 bawat araw. 

No comments:

Post a Comment