Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Maliban sa pagkakakuryente sa isang konstraksiyon worker
nitong umaga, posibleng dahil sa pagkakahulog din umano ng biktima sa gusaling
ginagawa nila ang dahilan ng kamatayan nito.
Sa pangungusisa ng Boracay Police, nabatid na makaraang
makuryente ay nahulog pa mula sa 3rd Floor ang biktimang si William
Postorioso ng Makato, Aklan.
Ayon sa kasamahan din nitong konstraksiyong worker na si
Ructhil Mateo, nakita nito ang biktima na nagputol ng isang kapirasong alambre
para itali sa pundasyon ng kanilang ginagawa sa 3rd floor.
Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natabing o nasagi
ng alabre ang live wire ng Akelco na halos may isa at kalahating metro ang layo
mula sa pundastong ginagawa nila.
Mula doon ay nakita lang din aniya ni Mateo na nahulog na
ang biktima.
Sa ganong ayos, na lapnos ang katawan dala ng
pagkakakuryente at pagkahulog mula sa gusali, deniklarang Dead on Arrival ni
Dra. Florence Aubrey Manon ng Boracay Hospital si Postorioso.
Naganap ang nasabing insedente nitong umaga banda 10:30 sa
Sitio Bantud Barangay Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment