Pages

Wednesday, May 09, 2012

Pamahalaang probinsiyal ng Aklan, hindi kuntento sa “position letter” na BFI

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi pa rin umano ngayon makuntento ang pamahalaang probinsyal kahit na may “position letter” na ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa 2.6-hec. na reklamasyon sa Caticlan nagsasabing hindi na sila tutol sa proyektong ito.

Ayon kay Aklan Governor Carlito Marquez sa panayam dito nitong umaga, humirit sila ngayon sa BFI na kung maaari ay gawing Board Resolution ang nasabing position letter.

Ito ay dahil mas makapangyarihan aniya ang resolusyon kumpara sa unang nataggap nila mula sa BFI.

Kaya naman aminado si Marquez na hanggang sa ngayon ay humihingi pa sila ng saklolo mula sa BFI para sa ganitong request.

Kung matatandaan, ang probinsya ay ilang beses nang humingi ng pag-endorso sa BFI para sa proyekto at humiling na bawiin ang kasong naisampa ng grupo ng mga stakeholder na ito sa Boracay, ngunit position letter lamang ang nataggap ng probinsiya mula sa mga ito.

Dahil dito ay patuloy silang nananalig at nananalangin para maibigay na aniya ang maayos na serbisyo sa lumulobong bilang ng mga turista sa Boracay.

No comments:

Post a Comment