Nakahanda na
ang counter measure ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan upang
maiwasan ang pananamantala at overpricing sa mga school supplies ng mga merkado
ngayong season na naman sa pamimili ng mga magagamit sa pagbubukas ng klase.
Dahil dito, mayroon
na umanong mga suggested retail price (SRP) na ihinanda ang DTI Aklan, ayon kay
DTI Aklan Provincial Director Diosdado Cadena.
Ang
aprubadong SRP ng DTI ay ipapamigay na aniya sa mga pamilihan upang anumang
oras na gustong silipin ng mamimili ang aktuwal na presyo ng isang item ay may
ipapakita ang mga establisimiyentong ito.
Samantala, nabatid
mula sa Director na wala namang itinaas ngayon ang presyo ng mga school
supplies.
Siniguro na
din umano ng DTI na hindi kukulangin ang mga items na in demand ngayon.
Dahil dito,
humiling sila sa mga manufacturers na magkaroon ng sapat ng supply at silipin
din ang presyo ng kanilang mga produkto para maiwasan ang over pricing.
Samantala, sa
mensahe nito para sa publiko, bagamat wala pa namang naiu-ulat na may produktong
nakakapasok sa Aklan na komtaminado ng lead at iba pang mga kemikal na delikado
sa mga bata.
Mariing pinaalalahanan
ni Cadena ang mga mamimili na suriing mabuti ang mga bibilhing produkto, lalo
na ang manufacturer ng produkto na maaaring mapanagot kung saka-sakali.
Kaya tingnan na
lang umano ng mabuti kung sertipikado ito ng Bureau of Food and Drugs (BFAD).
Dapat din
umanong maging maingat sa pamimili at piliin ang may kalidad at suriin maging ang
mga pahina ng mga notebooks o bibilhing papel kung tama ang bilang nito, gayon
din ang laman ng mga pangkulay at iba pang items.
No comments:
Post a Comment