Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nasimulan nang ayusin ang kalsada papasok sa Tabon port mula
sa National High way.
Katunayan, ayon kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa,
sa ngayon ay ginagawa na ang “widening” o pagpapalapad sa kalsada at
pagkonkreto doon, bilang paghahanda sa nalalapit na Habagat Season.
Dahil sa nitong mga nagdaang buwan ay sa Tabon Port ang ruta
ng bangka nang lumakas ang hangin at alon, ramdam sa lugar na ito ang usad
pagong na daloy ng trapiko dahil sa halos hindi na magkasya ang mga tourist bus
sa kalsada kapag nagkakasalubong at sabay-sabay.
Maliban dito, simula sa Lunes ay ayusin na rin aniya ang pampulikong
palikuran sa Tabon Port upang maihiwalay ang para sa lalaki at babae.
Dagdag na ni Sadiasa, bukas ay aayusin na rin aniya ang mga
shade o passenger holding area.
Samantala, dahil sa wala pang-pondo para maglagay ng kongkretong
pantalan na magsisilbing daungan ng bangka sa Tabon Port, nagdisisyon ayon kay
Sadiasa ang Alkalde na ang nakalutang na tulay para maging daungan ng bangka o pontoon
parin muna sa ngayon ang gagamitin doon.
Pero mas lalaparan na aniya ito kumpara sa dati at gagawing
mas doble pa lapad para maging kumbenyente para sa mga pasahero.
No comments:
Post a Comment