Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Mariing tinanggi ni Aklan Governor Carlito Marquez na may
plano din ang pamahalaang probinsiya na magpagawa ng tulay na magkokonekta sa
Caticlan at Boracay.
Sa panayam kahapon kay Marquez, nilinaw nito na walang
katotohanan ang usaping ito, dahil hindi naman aniya ito kailangan sa Boracay kahit
na binalak ng probinsya na maglagay ng tulay.
Maliban dito, ayon pa sa gobernador, kapag magkaroon umano
ng tulay ay posibleng masira ang exotic na ganda ng isla, kung saan ang pagbiyahe
sakay ng bangka ay isa sa nagbibigay ng atraksiyon sa mga turista.
Dagdag pa nito, kung may tulay umano ay hindi na aniya
makokontrol pa ang mga sasakyang papasok sa isla, gayong kung titingnan sa
ngayon ay isinusulong nga ng pamahalaang probinsiya ang pagsasa-ayos sa mga
pasilidad at inprastraktura sa mga pantalan papunta at palabas ng Boracay, para
hindi na kakailanganin pa ang tulay.
Ang pahayag na ito ni Marquez ay kasunod ng napapabalitang inihayag
ng gobernador ang nasabing plano sa kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng Aklan
Day at sa pagpapasinaya sa tulay na nagdudugtong sa mga bayan ng Madalag at
Banga na naganap noong Abril 25, kung saan isa sa mga dumalo ay ang alkalde ng
Malay.
Matatandaang ang lokal na pamahalaan ng Malay ay balak din
magpalagay ng tulay sa Boracay na magdudugtong sa Caticlan.
Klaro sa blog ngato nga nakabalandra pangaean ni Governor Maeques nga imaw ro naga plano it tulay ngarun nga magkonekta sa boracay ag caticlan malamang kumplot snda karun it mayor it malay deny2 pa snda run kara pero gali makibot lang kita boracaynon nga ginaluto eot a nanda ag pan uhan lat a natun hay ginaubra eon ang tulay ngarun..
ReplyDelete