Ngayong
magbubukas na ang pasukan at para hindi mabiktima ng over pricing sa pamimili
ng mga school supplies lalo na ang mga magulang.
Mas mainam na
mamili ayon kay Department of Trade and Industry DTI-Aklan Director Diosdado
Cadena sa petsa simula ika labin lima ng hanggang ika dalawangpu ng buwang ito
o sa susunod na linggo.
Sapagkat ang
DTI sa buong bansa ayon dito ay may inilunsad na programa sa petsang ito kung
saan ang ilang mga pangunahing retail
Outlet at establishemento sa Aklan kasama na ang sa Caticlan at isla ng Boracay
ay magkakaron ng promo na tinatawag na “Balik Eskwela Diskwento Sale”.
Kung kaya’t
puspusan na ayon kay Cadena ang kanilang pag-imbita sa mga retail outlet at
estalishemeto sa buong bayan sa Aklan para sumali sa “Balik Eskwela Diskwento
Sale”.
Dagdag pa ng
Director, malalanam naman aniya ng mga mamimili kung kasali nga ang isang
estalishemento ito sa promo, dahil mayroong tarpaulin na ilalagay ang DTI.
Kayo payo ni
Cadena sa mga mamimili ng School Supplies para sa darating na pasukan na e-avail
ang nasabing promo para makatipid.
No comments:
Post a Comment