YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 08, 2012

Terminal na itatayo sa Tambisaan Port, pondo na lang ang kulang

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inihayag ngayon ni Manoc-manoc Punong Barangay Abram Sualog na sa bahagi ng Brgy. Manoc-manoc ay handa na lahat ng mga dokumentong kakailanganin para sa pagpapagawa at pagpapasaayos ng terminal sa Tambisaan.

Ito ay sa kabila ng plano na din ng plano ng pamahalaang lokal ng Malay na magkaroon din ng kaparehong plano.

Pero hinihintay na lang umano nila ang pondo para sa proyekto mula sa MalacaƱang.

Subalit, dahil sa ang lokal na pamahalaan ng Malay ay naghahanda din upang sila na lang ang magpagawa ng terminal dito, sinabi ng Punong Barangay na wala namang problema doon kung ang LGU na ang magpapagawa nito.

Gayon pa man, may inisyal rin na aniya silang pag-uusap ng Alkalde ukol dito na pwede sila na lang sa Barangay ang gagawa at maaaring ang LGU din, depende kung sino sa mga ito ang mauuna na magkaroon ng pondo.

Samantala, dahil sa problema ng lokal na pamahalaan ng Malay at Manoc-manoc Council sa lupa na paglalatagan ng proyekto, sa kasalukyan aniya ay tuloy ang kanilang negosasyon sa dawalang claimant ng lupang ito sa Tambisaan Port na paglalagyan ng terminal.

Pero dahil isyu pa hanggang sa ngayon kung sino ang totoong may-ari ng nasabing property, hinihiling umano nila sa dalawang kampo na umaangkin dito na kung maaari ay pahintulutan  na lang nila na gawin ang proyekto doon, habang inaayos at hinihintay pang ideklara ang totoong may-ari ng nasabing lupain gayong tila handa namang ipagbili ang lupang ito para sa proyekto.

Kung maaalala, ang LGU Malay at Barangay Manoc-manoc ay parehong may proposal na mag-lagay ng terminal sa Tambisaan Port, upang pagtayuan ng pasilidad na maaayos para sa mga ito, katulad na lamang sa pagkakaroon ng palikuran at passenger holding area. 

1 comment:

  1. wow magaling, may airport na sa boracay, pero dikaya yan makasasama sa isla natin???

    ReplyDelete