Ngayon ay buong-tiwala nang ihinayag ni Abram Sualog, Punong
Barangay ng Manoc-manoc, na hindi na mabaho ang lugar na ito sa kasalukuyan,
sapagkat itinigil na ang pagpapalabas ng maduming tubig sa area na ito, bilang
pansamantalang solusyon at aksiyon sa mga reklamo ng ilang residente at establishimiyento
doon.
Ito ay makaraang magtutulong tulong ang ilang pribadong
indibidwa at LGU para isara ang nasabing drainage.
Kamakailan lang ay problema ang Lugutan Area at laman ng mga
usapan sa Boracay dahil sa hindi kanais-nais na amoy sa lugar na ito dala ng
maduming tubig na dumadaloy mula sa Drainage System na idinidispatsa sa lugar
na ito particular sa likod na bahagi ng islang ito.
Samantala, dahil sa pansamantalang solusyon lamang ito, nagharap-harap
na ang Barangay Officials ng Manoc-manoc, Boracay Island Water Company (BIWC)
at lokal na pamahalaan ng Malay para pag-usapan kung ano ang posibleng gagawin
para lubusan nang masolusyunan ang suliranin dito.
Ayon kay Sualog, sa nasabing paghaharap na naganap nitong
nagdaang Biyernes, nangako ang BIWC na tutulong sila sa pagbibigay solusyon at
gagawin nila ito sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment