Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Pakikipag-usap sa mga tourist guide sa Boracay para sa
seguridad ng mga turista ay nasimulan nang ipalaganap.
Ito ay ihinayag ni Supt. Julio Gustilo, hepe ng Aklan
Provincial Tourist Police Unit, kung saan ang Chinese at Korean tour guides ay
naka-usap na umano nito upang mag-bigay paalala sa ilang mga batas na mayroon
ang isla at sa pag-iingat sa kanilang mga kagamitan.
Para magkaintindihan, kasabay ng pag-uusap umanong ito ay
sana ihayag ang paalala sa iba’t-ibang salita.
Samantala, gayong tapos na aniya ito sa mga singkit na tour
guides, target naman ng tanggapan nila na kausapin ang mga tour guides ng
Russian nationals.
Inaasahang magkakaroon na rin anya ng mga stickers na
ididikit sa iba’t-ibang pampublikong sasakyan at lugar, kung saan nakalagay ang
mga nabanggit na paalala.
Sa bahagi naman ng Tourist Police sa isla, ang pagpapakalat
din ng stickers ay ginawa na rin umano nila para malaman ng publiko, turista
man at lokal na residente, ang hotlines na dapat tawagan na oras na kailangan
ang mga otoridad.
Matatandaang ang nasabing hakbang ay ginawa kasunod ng ilang
insidente ng pagnanakaw sa isla kung saan ang kalimitang target ay ang mga
turista.
No comments:
Post a Comment