Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Mistulang lumambot na rin ang lokal na pamahalaan ng Malay,
partikular ang Sangguniang Bayan, ukol sa hinihinging pag-endurso sa proyektong
reklamasyon sa Caticlan ng pamahalaang probinsiya.
Sapagkat nitong nagdaang Biyernes, ika labing pito ng
Pebrero, tila mayroong na nang napipisil na pasya ang konseho nang magsagawa ng
Committee Meeting ukol sa kahilingan ni Mayor John Yap na magkaroon ng penal na
pagdinig kaugnay sa request ng probinsiya na bigyan na nang pag-endurso ang
proyekto ito.
Sa sesyon ng konseho kahapon, isinatinig ni SB Member Esel
Flores ang kanilang katayuan ukol sa usaping ito.
Lalo pa at nakita naman umano nila na handa at interesado na
rin ang pamahalaang probinsiya na ibigay ang kanilang mga demands o kahilingan
ng LGU Malay, kapalit ng pag-i-endorso ng SB sa proyekto ay may limang kahilingan
ang konseho sa probinsiya.
Una rito ay ang hinihingi na 1,000 sqr. meter na espasyo
para sa LGU Malay mula sa na- reclaim na area. Ikalawa, pagbuo o pag-organisa
sa Caticlan Jetty Port Management Board. Ikatlo, ang pagkakaroon ng manipesto
na hanggang 2.6 hectar lamang ang reklamasyon, ika-apat na kahilingan na sana ay
walang ma-displace sa mga lokal na transportasyon sa Jetty Port tulad ng mga
bangka, at ika lima ay magkaroon parin ng komprehensibong pag-aaral sa epektong
dulot sa kapaligiran ng proyektong ito kapag Habagat at Amihan Season.
Nabatid na ang mga nabangit na demand ay inilatag na rin
umano sa committee hearing.
Matatandaang noong una ay deadma lang sa probinsiya ang
pag-endurso ng konseho sa paniniwalang hindi na ito kailangan sa proyekto.
Subalit nang magsampa ng kaso ang Boracay Foundation
Incorporated (BFI) at konseho ukol sa Invironmental isyu, laban sa probinsiya
na siyang may proposisyon ng reklamasyon, ang probinsiya naman ngayon ang
namimiliit na i-endurso ang proyekto.
Ito ay sa paniniwala ng pamahalaang probinsiya na
makakatulong ito para bawiin na ng Supreme Court ang Temporary Environmental
Protection Order o TEPO na ibinababa laban sa proyektong ito at maituloy na rin
ang reklamasyon.
No comments:
Post a Comment