Pages

Tuesday, February 21, 2012

Tour guides sa Boracay, kinausap ni Gustillo para sa pagbibigay-paalala sa mga turista


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pakikipag-usap sa mga tourist guide sa Boracay para sa seguridad ng mga turista ay nasimulan nang ipalaganap.

Ito ay ihinayag ni Supt. Julio Gustilo, hepe ng Aklan Provincial Tourist Police Unit, kung saan ang Chinese at Korean tour guides ay naka-usap na umano nito upang mag-bigay paalala sa ilang mga batas na mayroon ang isla at sa pag-iingat sa kanilang mga kagamitan.

Para magkaintindihan, kasabay ng pag-uusap umanong ito ay sana ihayag ang paalala sa iba’t-ibang salita.

Samantala, gayong tapos na aniya ito sa mga singkit na tour guides, target naman ng tanggapan nila na kausapin ang mga tour guides ng Russian nationals.

Inaasahang magkakaroon na rin anya ng mga stickers na ididikit sa iba’t-ibang pampublikong sasakyan at lugar, kung saan nakalagay ang mga nabanggit na paalala.

Sa bahagi naman ng Tourist Police sa isla, ang pagpapakalat din ng stickers ay ginawa na rin umano nila para malaman ng publiko, turista man at lokal na residente, ang hotlines na dapat tawagan na oras na kailangan ang mga otoridad.

Matatandaang ang nasabing hakbang ay ginawa kasunod ng ilang insidente ng pagnanakaw sa isla kung saan ang kalimitang target ay ang mga turista.

No comments:

Post a Comment