Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Mula Boracay Special Tourist Police Office o BSTPO ay pormal
nang pinalitan ang pangalan ng himpilan ng Boracay Pulis, at sa ngayon ay
Boracay Tourist Assistance Center na o BTAC.
Batay na rin sa inilabas na resulosyon # 2012-001 ng
National Police Commission kung saan, sa buong Pilipinas, isa ang Aklan sa
dalawampu’t limang probinsiya na mayroong Tourist Police Assistance Center na
itinalaga ng Department of Tourism para sa siguridad ng mga turista sa mga
lugar na ito.
Ito ang nabatid mula kay P/Supt. Julio Gustilo Jr., ang
kauna-unahang Hepe ng Aklan Provincial Office Tourist Police Unit.
Kung saan si Gustilo ang mamumuno ng unit na ito sa buong
probinsiya at saklaw nito ang ibang Tourist Assistance Center sa ibang bayan
gayon din ng mga tourist Pulis sa Airport at mga pantalan.
Dahil bagamat sa Boracay ang Sentro ng turismo, pati ang mga
bayan din na dinadaanan patungong Boracay mula sa bayan ng Kalibo ay dapat
magkaroon na rin aniya ng sariling nilang Tourist Assistance Center.
Gayun paman, dahil sa ang personnel lamang ng Boracay
Assistance Center ang dumaan sa pagsasanay mula sa DOT.
Inaasahang maging ang mga Pulis sa mga bayan na mayroong
Tourist Assistance Center na ito ay isasailalim din pagsasanay ukol sa tamang
pagharap sa mga turistang nanga-ngailangan ng tulong.
Bagamat sana ay nasa Provincial Office ng Aklan Police sa
bayan ng Kalibo ang tanggapan ni Gustilo, bilang himpilan din ng Aklan
Provincial Office Tourist Police Unit.
Subali’t dahil sa wala pang itinakdang opisina para sa
kanila, pansamantala ay dito umano muna sila maghihimpil sa Boracay Tourist
Assistance Center.
No comments:
Post a Comment