YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 24, 2012

Pinal na desisyon ukol pag-i-endorso sa proyektong reklamasyon, nasa SB pa rin

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Naniniwala si Boracay Foundation Incorporated (BFI) Board of Trustees Member Loubel Cann na hindi naman siguro lumambot ang Sangguninag Bayan ng Malay sa hinihinging pag-endorso ng pamahalaang probinsiya para sa proyektong reklamasyon sa Caticlan.

Ito ay dahil noong una pa man aniya, ang nais lamang ng BFI na mangyari ay ang masunod at sumunod sana sa tamang proseso ang probinsiya sa ganitong uri ng proyekto.

Nirerespeto at at kinikilala na rin ng probinsiya ang karapatan ng konseho at ilang indibidwal na sana ay bahagi sa pagbabalangkas ng desisyon at mga bagay na dapat malaman ng publiko sa paraan ng public hearing, ngunit ipinagkait pa ito ng may proposisyon ng proyekto.

Subalit sa ngayon ay nakita naman umano nila na mistulang tanggap na rin ng probinsiya ang kanilang pagkakamali kaya sinusubukan na rin ng mga ito na sumunod sa tamang proseso kahit pa sabihing babalik na naman umpisa ang lahat.

Sa ngayon ay nakita naman umano ng BFI na nagkaroon nang saysay ang ipinaglalaban nila.

Pero ang sa kanila lamang aniya, kung noong una ay nanindigan ang konseho na wag bigyan ng pag-endorso ang proyekto, subalit bakit ngayon ay i-i-endorso na rin nila.

Gayon pa man, nilinaw ni Cann na kung ano man ang maging pasya ng konseho kaugnay sa usaping ito ay nasa SB parin aniya ang pinal na desisyon.

Matatandaang, nitong Martes ay tinalakay ng konseho sa sesyon ang bagay na ito at nais na rin ng SB na bumuo ng desisyon gayong matagal na ring ang isyung ito, makaraang mabatid sa isinagawa nilang committee meeting na handa na rin pala ang probinsiyang ibigay ang lahat ng demand ng lokal na pamahalaan ng Malay partikular ang konseho. 

No comments:

Post a Comment