YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 21, 2012

Ordinansa sa mga kasiyahan sa Boracay tuwing Biyernes Santo, hindi pa aprubado


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mahigit isang buwan na lamang at ipagdiriwang na ng mga Katoliko ang Mahal na Araw bilang paggunita sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo Jesus.

Kung saan, sa Boracay, ay nanga-ngahulugan na naman ito ng pagdagsa ng mga turista lalo pa at Summer Season na rin.

Gayon pa man para mabigyang panahon ang mga nagninilay-nilay na Katoliko sa pagdiriwang ng Araw na ito.

Walang pag-alin langang isinusulong parin ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Municipal Ordinance kaugnay sa pag-regulate sa mga mga party o ano mang kasiyahan kapag araw ng Biyernes Santo bilang paghahanda sa papalapit na Mahal na Araw ngayon taon.

Bagama’t papalapit na ang Mahal na araw, sa kasalukuyan ay hindi pa ito aprobado ng konseho at nakatakda parin pag-usapan sa susunod na sisyon, makaraang ding-gin ito sa deliberasyon.

Samantala, kaugnay sa usaping ito, pinaalalahanan naman kahapon sa misa ni Rev. Fr. Magloire Adlay Placer ang mga Katoliko ukol sa pagdiriwang ng “Ash Wednesday” sa darating na Miyerkules, ika dalawampu’t dalawa ng Pebrero, bilang unang araw sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

No comments:

Post a Comment