YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 21, 2012

MOA kontra-ingay sa Boracay, papasukin ng LGU at stakeholders


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inaasahang mababawasan na ang Noise Pollution sa Boracay, sa susunod na mga buwan.

Sapagka’t batay umano sa isinagawang mga pulong sa gitna ng lokal na pamahalaan ng Malay at mga stakeholders sa Boracay, bar at disco, operators at may-ari ng establishementong ito.

Nakabuo na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang tanggapan ng Punong Ehikutibo para sa mahigpit na pagpapatupad sa umiiral na batas laban sa ingay na dala ng mga establishementong ito lalo na ng mga bar sa isla, batay na rin sa nakasaad sa Municipal Ordinance 144 na inaprobahan ng Sangguniang Bayan noong taong 2001.

Bagama’t may draft na ng MOA ang LGU, nabatid mula kay Concordia Alcantara, Kalihim ng konseho na humiling ng awtorisasyon ng Alkalde para narin sa pormalidad at legalidad para pumasok ito sa isang kasunduan sa ginta ng mga stakeholder ukol sa istriktong pagpapatupad ng ordinansang ito sa isla. 

Sa kasalukuyan ay nasa pangalawang pagdinig na ito ng SB.

Matatandaang umani ng mga negatibong komento at reklamo mula sa ilang resort at mga bakasyunista sa Boracay ang sobrang ingay na dulot ng mga bar, kahit hating gabi na at madaling araw.


Propesyonal na serbisyo ng Life Guard Boracay, ikinakasa ng Alklde
Kaugnay sa pagsasanay sa mga life guards sa Boracay, humiling ngayon si Malay Mayor John Yap ng awtorisasyon mula sa Sangguniang Bayan para pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang LGU Malay at Philippine Red Cross.

Sa pagdinig ng konseho tungkol sa kahilingang ito, nabatid na ang pagiging propesyonal ng mga mga life guard sa pagligtas sa buhay ng mga naliligo sa baybayin ng isla ang layunin ng alkalde.

Dahil dito, bagamat nasanay na ng Red Cross ang mga Life Guard na ito.

Napaloob sa MOA na nakatakdang lagdaan ng Alkalde ang  pagbibigay ng tulong o suporta ng taga Red Cross pagdating sa karagdagang pagsasanay pa sa mga life guard upang maging bihasa ang mga ito sa kanilang gawain.

Nakasaad din sa MOA na ang Red Cross na rin ang mangangasiwa sa paglalagay ng Life Guard sa tower para masiguro ang kaligtasan ng publikong naliligo sa Boracay, gayon din ang pagpapahiram ng ambulansya sa oras ng emerhenysa at iba pa.

Gayon pa man ang kahilingang ito ng alkalde na nasa kumitiba pa ng konseho ay nakatakdang dinggin sa susunod pang sesyon ng SB.

No comments:

Post a Comment