YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 21, 2012

Mga nakumpiskang meat products sa Kalibo International Airport, sinunog


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sinunog na lamang ang labindalawang pakete ng meat products na nakumpiska mula sa isang Koreano sa Kalibo International Airport nitong nagdaang Biyernes.

Napag-alamang mula sa South Korea lulan ng eroplanong may direct flight mula sa bansang ito si Kim Ho Yeon, ang nasabing meat products.

Kung saan sampung pakete ng sausage at dalawang balot ng laman-loob ng baboy ang nakuha sa nasabing Koreano.

Subali’t ayon kay Gelisele de Pedro ng Kalibo Municipal Agricultures Office at Quarantine and Livestock Section.

Dahil sa ipinagbabawal ang pagpasok ng ganitong uri ng produkto sa Pilipinas lalo na kung wala itong kaukulang permiso at dokumento ay kinukumpiska ito ng mga awtoridad.

Sapagka’t pinangangambahan aniya na baka may dalang sakit at mahawa ng Foot and Mouth Disease at Mad Cow disease ang mga alagang hayop sa bayan at boung probinsyang ito, ang mga nasabing meat products, kaya sinunog na lamang.

No comments:

Post a Comment