Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Kahit na may binitiwan nang pangako si Aklan Governor
Carlito Marquez sa paraan ng isang sulat na ipinaabot ni sa LGU Malay, nais
parin ng Sangguniang Bayan na makasiguro na tutupad nga ang pamahalaang
probinsiya sa pangakong ito.
Bunsod nito, humirit si Sangguniang Bayan Member Wilbec
Gelito sa kapwa nito konsehal na kung maaari, para maging opisyal at
mapipilitang tumalima ang probinsiya sa pangako nila, ipa-notaryo muna ang mga
dokumentong ito.
Subalit, tiwala naman si SB Member Esel Flores na hindi
ganon sa inaakala nila ang pamahalaang probinsiya, gayong ang lahat umano ng
demand na ito ay nakasaad naman sa resolusyon ng pag-endorso nila sa proyekto
kung saka-sakali.
Sa oras umano na hindi tumalima ang probinsiya sa pangakong
ito, maaari nilang e-revoke o kanselahin ang pag-endorso na ibinigay nila.
Samantala, ayon naman kay Flores, dahil sa katagalan na rin
ang isyung ito, kailangan na rin umano siguro nilang makabuo ng disisyon, ukol
sa kontrobersiyal na reklamasyong ito sa Caticlan.
No comments:
Post a Comment