Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Dahil sa bago na ang pangalan ng Boracay Police para sa
layuning pang-turismo, bago na rin ang hepe ngayon.
Kung noon ay Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO)
ang pangalan nito na pinamumunuan ni Supt. Julio Gustilo Jr., kasabay ng ilang
pagbabago sa pangalan ng himpilan ay ang pagpapalit nito sa pangalang Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC), at kasabay nito ay pinalitan na rin si
Gustillo bilang hepe.
Sa kasalukuyan ay si P/Insp. Christopher Prangan na ang
iniluklok na kauna-unahang hepe ng BTAC.
Ito ang nabatid mula kay Gustilo dahil ang dating hepe ay
siya nang mamumuno sa Aklan Provincial Tourist Police Unit kung saan saklaw
nito ang lahat ng bayan na may tourist assistance center, kasama na ang BTAC.
Samantala, dahil sa panturismo ang layunin ng BTAC, nilinaw
ni Gustilo na anumang kaso, pangyayari, o krimen na walang kaugnayan sa turista
ay bahagi pa rin ng kanilang trabaho na kailangang aksyunan kabilang na ang mga
ordinansa ng bayan at probinsya.
Dagdag pa nito, kahit na ang Department of Tourism ang nais
ding na gawin itong BTAC batay sa National Police Commission Resolution No.
2012-001, at ihinayag ng huli na nasa ilalim pa rin sila ng Aklan Police
Provincial Office (APPO) sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment